KUNG WALANG KASALANAN | Dating COMELEC Chair Bautista, pinayuhan ng Malacañang na bumalik ng bansa para humarap sa imbestigasyon ng senado

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Malacañang si dating Commission on
Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na bumalik na sa Pilipinas
para sa nakatakdang resumption ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y
ill-gotten wealth nito sa March 19.

Ayon sa palasyo, kung wala talaga umanong kasalan si Bautista ay dapat nang
umuwi ito ng bansa dahil kaya naman nitong ipagtanggol ang sarili lalo na’t
isa rin siyang abogado.

Matatandaan na ipinag-utos ng Senado ang pagpapaaresto kay Bautista dahil
sa kabiguan nitong dumalo sa imbestigasyon kaugnay sa umano’y one billion
pesos na yaman nito kabilang na ang nasa mahigit P300 million sa 35 bank
accounts nito sa Luzon Development Bank.


Sinabi naman ni Bautista na hindi pa umano niya natatanggap ang imbitasyon
mula sa Senate Banks, Financial Institutions, at Currencies Committee.

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Bautista simula pa noong November 2017
para umano mag-explore ng professional opportunities at humingi ng
assistance para sa ilang certain medical challenges.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments