KUNSERBATIBO? | Pagsusuot ng “too sexy bikini swimsuit” ni Kathryn Bernardo, hindi aprub kay Daniel Padilla

Manila, Philippines – Hindi aprub kay Daniel Padilla ang pagsusuot ng “too sexy two piece bikini swimsuit” ni Kathryn Bernardo.

Sa isang thanksgiving presscon, natanong kasi ang aktor tungkol sa bikini photo ni kathryn na ikinagulat ng kanyang fans.

Hindi raw kasi nila inaasahan na kaya pa lang magpa-sexy ng teen queen.


Say ni Daniel, nagsusuot lang si Kathryn ng bikini swimsuit kapag siya lang ang kasama.

Kapag masyado na raw sexy, agad niya itong sinasabi sa aktres.

Samantala, kinumpirma naman ni kathryn na magkasama sila ni daniel na magdaraos ng holyweek sa Amerika kasabay na rin ng kanilang show doon.

Facebook Comments