Columbia – Isang motel sa Bucaramanga, Columbia ang inuulan ngayon ng batikos sa social media makaraang maging instrumento sa pangangaliwa ng isang asawa.
“At motel Palmeiras, the endings are always happy.” Ito ang caption sa video na pinost ng hotel kung saan inilarawan ang ginawa nilang pag-asiste sa kanilang kliyente upang hindi mahuli ng asawa nito na nangangaliwa.
Noong umaga ng July 14, nakatanggap ng ulat ang mga staff ng motel na mayroong babae na kanina pa nag-aantay sa labas ng kanilang lobby.
Makalipas ang isang oras, nakatanggap ng tawag ang mga staff mula sa kanilang kliytente na humihingi ng tulong na huwag mahuli ng kaniyang asawa, dahil kasama niya ang kaniyang kabit sa loob ng kwarto.
At dahil layon ng motel na mapaglingkuran ang mga clients nila, bukas puso nilang tinulungan ang unfaithful husband na ito, na matagumpay na nakaalis ng motel nang hindi nagtagpo ang landas nila ng kaniyang asawa.
Inilabas pa nila ang video na may picture ng asawang babae na nakatalikod habang nag-aantay sa labas ng motel, bilang promotional video kung saan nais nilang ipabatid na loyal sila sa kanilang mga customers, ngunit ikinagalit ito ng netizen.