KUNTENTO NA | Secretary Bong Go, mas gustong pagsilbihan si pangulong Duterte kaysa pumasok sa politika

Manila, Philippines – Nanindigan si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi siya papasok sa mundo ng politika.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sinabi sa kanya mismo ni Go na hindi siya papasok sa politika at tatakbo bilang senador.

Ito ang sinabi ni Andanar matapos ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hihimukin niya si Go na tumakbo bilang senador sa darating na halalan dahil gusto umano ni Alvarez na mas maraming Mindanoan sa Senado.


Binigyan diin aniya ni Go sa kanya na kahit pa mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumilit sa kanya ay hindi niya ito gagawin.

Sinabi pa ni Andanar na mas gustong manilbihan ni Go kay Pangulong Duterte hanggang kamatayan.

Facebook Comments