KURIKONG, ISANG PROBLEMA NG MGA MANGO GROWERS SA PANGASINAN

Pangasinan – Isang problema ngayon ng grupong Mango Growers Association of Pangasinan ang kakulangan sa suplay ng mangga sa Pangasinan dahil sa hindi maiwasang cecid flies o “kurikong”.

Sa panayam ng iFM Dagupan kay Mario Garcia, Presidente ng Mango Growers Association ng lalawigan, malungkot mang ibalita na sa loob ng limang taon, hindi umano ma-kontrol ang naturang sakit ng manga na kurikong dahilan para magtanim ng ibang pananim ang mga mango growers at contractors gaya ng gulay.

Aniya, P120 kada kilo ang retail price ngayon dahil pa rin sa kakulangan nito.
Dagdag pa niya, wala pang na-imbentong maaaring pamuksa sa naturang peste, lahat daw umano ng klase ng pesticide o mga inirekomenda ng Department of Agriculture ay kanilang sinubukan na ngunit hindi pa rin ito epektibo.


Hakbang din umano nila ang pagbabalot kada bunga upang hindi madapuan ang mga ito ng naturang peste. Bukod sa kurikong, problema din sa talakitik, insect pests at iba pa.
Tinatayang 40% namang mga mango growers ang tumigil na at nasa 60% naman ang nagpapatuloy pa rin.

Tiniyak naman ni Garcia na sa Mango season ay nasa 20-30% lang ang may big stakeholders lang dahil sa pagkalugi ng mga ito. Hindi na rin ganoon karami ang maaaring ibigay na suplay sa mga karatig lugar nito dahil sa nararanasang problema.

Facebook Comments