KURIPOT | Ginang sa Egypt, hiniwalayan ang mister matapos hindi bilhan ng shawarma

Panghimagas – Nang dahil sa shawarma, desidido ngayon ang isang ginang na hiwalayan ang mister matapos siyang hindi bilhan nito.

Kwento ng 30-anyos na ginang na si Sameeha, nagalit ang kaniyang mister na si Ahmed nang mag-request siyang bumili ng shawarma kung saan isang beses lamang niya itong hiniling makaraan silang lumabas para i-enjoy ang weekend.

Giit ng 32-anyos na mister, pumayag daw siyang lumabas para uminom pero ibang usapan na daw kapag bumili pa ng shawarma.


Dahil dito, napuno na ang ginang sa pagiging kuripot ng mister kaya’t agad siyang nag-file ng divorce at inilahad lahat ng reklamo niya sa asawa.

Napag-alaman na apa’tnapung araw pa lang nagsasama ang mag-asawa matapos ikasal pero huli na ng mapansin daw ni Sameeha na istrikto ang mister pagdating sa gastos partikular na sa pagkain.

Facebook Comments