Lanao del Sur – Kusang loob na sumuko sa tropa ng militar partikular sa 55th Infantry Battalion ng Joint Task Force Ranao ang pitong miyembro at taga suporta ng Maute Group o Dawlah Islamiya group sa Lanao del Sur kahapon.
Ito ang kinumpirma ni Captain Clint Antipala, ang tagapagsalita ng1st Infantry Division ng Philippine Army.
Aniya isinuko rin ng mga dating terorista ang kanilang mga armas partikular ang tatlong M1 garand rifle, isang carbine, apat na kalibre 45 baril at isang 9mm pistol.
Sa ngayon isinasailaim sa custodial debriefing ang mga sumukong terorista.
Sinabi naman ni Major General Roseller Murillo ang commander ng Joint Task Force Zampelan ng Philippine Army na kumpirmadong humina na ang pwersa ng Maute group kaya hinihikayat niya ang mga ito na sumuko na lamang sa pamahalaan.