Sulu – Kusang loob na isinuko ng Alkalde ng Pata, Sulu na si Mayor Anton Burahan at mga kasamahan nitong government officials ang kanilang mga matatas na kalibre na armas sa militar kanina.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, ala-1:00 ng tanghali kanina ng kusang loob na ibigay nina Mayor Burahan, kanyang mga Barangay Captains at mga kasamahan pa nilang government officials ang kanilang 18 mga matatas na kalibre ng armas sa mga tauhan ng Joined Task Force (JTF) Sulu.
Partikular na mga matataas na kalibre ng armas na ito ay ang tatlong 81MM, Mortar Tubes isang 90 RR (crew-served weapon), isang caliber .50 barrel, apat na M16 rifles, tatlong M14 rifles, limang Garand Rifles at isang m79 Grenade Launcher.
Isinuko rin nila ang mga daan-daang rounds ng ammunition at ilang piraso ng magazine
Sinabi ni Sobejana na ang pagsuko ng mga baril ng Alkalde ng Pata Sulu ay upang hikayatin ang kanyang constituents na isuko na rin ang mga itinatago nilang mga armas sa layuning maging gun free ng ang lalawigan ng Sulu.