KUSANG LOOB | Mag-asawang terorista sumuko sa militar sa Agusan del Sur

Agusan del Sur – Sumuko sa tropa ng militar ang mag-asawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Agusan del Sur.

Kinilala ang mag-asawang NPA na sina Almer Banuyan alyas Ruben at asawa nitong si Jesel Mae alyas Judy mga residente ng Barangay San Vicente Esperanza.

Ayon kay Captain Paulo Agda tagapagsalita ng 26th Infantry Battalion ng Philippine Army si Almer ay nagsisilbing regular member ng Guerilla Front Committee 89 habang si Jesel Mae ay nagsisilbi sa Milisyang Bayan na nago-operate sa Bukidnon, San Luis at Esperanza sa Agusan del Sur.


Aniya isinuko rin ng mag-asawa ang ang kanilang isang AK47 rifle at isang US M1 Carbine rifle.

Tiniyak naman ng pamunan ng 26th Infantry Battalion na mas magpupursige pa sila sa kanilang trabahong hikayatin ang mga NPA terrorist na sumuko sa pamahalaan.

Facebook Comments