Lanao del Norte – Umabot sa mahigit dalawampung mga loose firearms ang isinuko kahapon ng lokal na pamahalaan ng Kapatagan, Lanao del Norte sa militar.
Ang mga ito ay pagmamay-ari ng mga residente ng lungsod na nakumbinsi ng Local Government Unit (LGU) at ng 5th Mechanized Infantry Battalion, Philippine Army na isuko ang mga ito.
Sinabi ni Ltc. Ronel Manalo, commander ng 5th Mechanize Battalion, sinikap nilang boluntaryong isuko ang naturang mga baril dahil magsasagawa sila ng raid sa darating na mga araw sa mga bahay na may iniulat na may mga itinatagong baril.
Sinabi ni Kapatagan Mayor Barry Baguio, ang pagsuko ng mga loose firearms ay pagpapakita na seryoso sila sa kanilang bayan na suportahan ang adhikain ng gobyerno na magkakaroon ng isang mapayapa at maunlad na lugar.
Mangyayari lamang aniya ito kung walang krimen. Walang krimen kung walang armas ang mga sibilyan.