KUSANG LOOB | Negosyanteng nakabaril sa kanyang customer sumuko sa Sta. Cruz Manila

Manila, Philippines – Buluntaryong sumuko sa Manila Police District (MPD) Station 3 ang isang negosyanteng lalaki matapos na makabaril sa kanyang kustumer sa harapan ng Chades Tapsilog na matatagpuan sa 1689 Remigio Street Sta. Cruz Manila.

Nakilala ang biktima na binawian ng buhay sa Jose Reyes Hospital matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan na si Arcell Mendoza 22-anyos habang sumuko naman aagad sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Richard Peralta 50-anyos may-ari ng Chades Tapsilog.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel nagkaroon umano ng kaguluhan sa nasabing tapsilogan at umaawat lamang ang naturang biktima ng hindi sinasadyang nabaril ng suspek dahil na rin sa kaguluhan.


Buluntaryo naman agad sumuko sa mga otoridad ang suspek kung saan inihahanda na ang kasong Homicide laban sa negosyante.

Facebook Comments