Manila, Philippines – Ihaharap na sa Senado bukas ang tatlong mga testigo sa pagpaslang kay Kian Loyd Delos Santos.
Naniniwala si Senador Risa Hontiveros na kailangan na talaga maprotektahan ang kaligtasan ng mga testigo sa pagpaslang sa grade 11 student.
Ginawa ang pahayag ng Senador matapos na makatanggap ng mga threats o banta sa kanilang mga buhay ang tatlong mga testigo.
Sa ginanap na presscon sa Maynila, sinabi ni Hontiveros na nirerespeto nito ang kahilingan ng pamilya ni Kian Delos Santos na ilipat ang kustodiya ng mga testigo sa pamamahala ng PAO dahil tiwala sila sa naturang ahensiya at panatag ang kanilang mga sarili kapag nasa pangangalaga sila ng PAO.
Giit pa ng Senadora, ang mahalaga umano ay maprotektahan ang kaligtasan ng mga testigo at mabigyan ng hustisya ang Extra Judicial Killing ni Delos Santos dahil hindi sila naniniwalang nanlaban ang grade 11 student sa mga pulis.
Pinoproseso na ngayon ang pag-iinterview ng mga kinatawan ng CHR, NBI, PAO, at Ombudsman sa mga testigo na nasa pangangalaga ng Child Protection Unit ng PGH dahil ito ang may kakayahan na may magbigay ng tamang environment para sa naturang proseso.