Kustodiya ng mga dating miyembro ng PH Army na suspek sa Batocabe slay, ipinauubaya sa PNP

Manila, Philippines – Dumistansya na ang pamunuan ng Philippine Army sa kaso ng pagpatay kay AKO Bicol partylist Representative Rodel Batocabe.

Ito ay makaraang ihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na mga dating sundalo, CAFGU at isang rebel returnee ng CPP-NPA ang nasa likod ng pamamaslang.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Louie Villanueva, bahala na ang PNP sa paghawak sa mga salarin dahil matagal nang wala sa serbisyo ang mga ito.


Anuman aniya ang gawin nilang labag sa batas maging ito man ay sibil o kriminal ay pananagutan nila ito sa bisa na rin ng mga kasong isinampa laban sa kanila.

Aniya sa kabila na sumuko sa 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Sorsogon ang gunman na si Henry Yuson, agad nila itong isinuko sa mga tauhan ng PNP upang maisailalim sa tamang proseso na naaayon sa batas.

Facebook Comments