Kustodiya ng suspected Maute doctor, hindi basta-basta makukuha ng US government sakaling magtagumpay ang extradition case

Manila, Philippines – Hindi basta-basta maaaring makukuha ng US government sa gobyerno ng Pilipinas ang kustodiya ng suspected Maute doctor na si Dr. Russell Linga Salic.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Dalumilang Parahiman, kailangan munang tapusin ang pagdinig sa Pilipinas sa kasong murder at kidnapping ni Salic kaugnay ng pagkakasangkot nito sa pamumugot ng Maute Terrorist Group.

Si Dr. Salic ay ini-extradite ngayon ng US government dahil naman sa pagkakasangkot daw nito sa ISIS at ang sinasabing pagbibigay ng financial support sa Middle East teachers sa Amerika.


Inamin ni Atty. Parahiman na wala pa silang nahahanap na US-based lawyer na tutulong kay Salic oras na makuha na ng Amerika ang kustodiya nito.

Facebook Comments