Kustodiya nina Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr., hihilinging mailipat sa Ozamis City

Ozamis City – Hihilingin ng pamilya Parojinog na sa Ozamis City ma-custody ang mga naarestong sina Ozamis Vice Mayor Nova Princess Parojinog At Reynaldo Parojinog Jr.

Pasado alas dyes kanina nang makarating sa Camp Crame ang dalawa mula Ozamis City at agad na dinala ng mga escort ng CIDG personnel sa PNP custodial center.

Paliwanag ni Atty. Lawrence Carin, isa sa mga abogado ng pamilya Parojinog wala pang court order para maditine sa PNP custodial center ang kanyang dalawang kliyente.


Pwede naman daw search warrant lamang ang ibalik sa korte na nag isyu nito at hindi na kasama ang mga naaresto dahil iba ito warrant of arrest.

Sa ngayon wala daw basehan ang PNP para ikulong sa PNP custodial center ang dalawa.

Sa ngayon sinabi ni Atty. Carin na maghihintay siya sa labas ng PNP Custodial Center para kausapin ang kanyang mga kliyente sa kanilang mga susunod na plano sa tulong na rin ng mga iba pang abogado ng pamilya Parojinog.

Posibleng isinasailalim na sa booking procedure ang dalawang Parojinog sa loob ng PNP Custodial Center.

Facebook Comments