Kuta ng Maute Group sa Piagapo, Lanao Del Sur – kontrolado na ng militar

Lanao Del Sur, Philippines – Kontrolado na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kuta ng Maute Group sa Piagapo, Lanao Del Sur matapos ang dalawang araw na matinding bakbakan.

Ayon kay AFP spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – strategic ang lugar ng Maute dahil sa pinakamataas na lugar ang kanilang kuta.

Natagpuan din ang training area ng teroristang grupo.


Nakita rin ang mga improvised na tirahan kung saan narekober din ang mga bigas at lutuan.

Kinumpirma naman ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na kabilang ang 4 na dayuhang terorista sa 37 bandido na napatay ng militar kung saan tatlo ang Indonesians at isa ang Malaysian.

Samantala, nagpapatuloy pa umano ang follow up at mopping up operations matapos lusubin ng pinagsanib na pwersa ng army, navy, at airforce ang balwarte ng Maute Group sa Piagapo.
DZXL558

Facebook Comments