Bahay ng isa sa mga suspek sa Jolo bombing, nilusob

Sinalakay ng mga militar ang bahay ni alyas Kamah na isa sa mga suspek sa Sulu Cathedral Bombing sa Barangay Latih, Patikul.

Pero ayon kay Gen. Divino Rey Pabayo Jr., pinuno ng Joint Task Force Sulu, nakatunog si alyas Kamah at nakatakas.

Napatay naman sa operasyon ang kanang kamay ni alyas Kamah na si Ommal Osup matapos makipagbarilan sa mga awtoridad.


Nakuha naman sa bahay ni Alyas Kamaha ang isang 45 pistol, sniper scope, 2 cellphones at isang motorsiklo.

Una nang sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na kilala si alyas Kamah na gumagawa ng bomba sa Sulu at kapatid ng napatay na Abu Sayyaf leader na si Surakah Ingog.

Facebook Comments