Kuta ng NPA, nakubkob ng militar matapos ang ilang oras na sagupaan sa Bukidnon

Bukidnon – Nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng New People’s Army sa Cabanglasan, Bukidnon.

Ito ay kasunod ng halos kalahating araw na sagupaan ng militar at rebelde sa Sitio Miaray, Barangay Mandahican.

Ayon kay 1Lt Erwin Bugarin ng 8th IB, gumamit ng attack helicopter ang militar bago sinalakay ang kuta ng mga rebelde na nagsi-atrasan matapos ang ilang oras na sagupaan.


Nasamsam ng militar sa lugar ang ilang matataas na kalibre ng baril, bala, pampasabog, gamot, pagkain at ibat ibang dokumento.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang militar sa PNP para tugisin ang nasa 50 armadong rebelde na kanilang nakasagupa.

Facebook Comments