Kuwait, pansamantalang hindi mag-iisyu ng visa sa mga Pilipino

Inanunsyo ng Kuwaiti Interior Ministry na hindi muna sila mag-iisyu ng visa sa mga Pilipino.

Ayon sa Kuwait government, may nilabag ang gobyerno ng Pilipinas kaugnay sa bilateral agreement ng dalawang bansa.

Hindi naman idinetalye kung ano ang nilabag ng Department of Migrant Workers.


Noong Pebrero, nagpatupad ang DMW ng deployment ban sa mga first time domestic workers papuntang Kuwait kasunod ng pagkamatay ng overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara at iba pang kaso ng pang-aabuso sa mga OFWs.

Facebook Comments