Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Kuwait na pumayag na ang pamahalaan ng Kuwait sa pagpasok sa kanilang bansa ng mga nabakunahan ng Sinovac, Sinopharm, at Sputnik V.
Ito ay sa kondisyon na sila ay nakakuha ng kahit isang dose ng alinman sa apat na aprubadong bakuna sa Kuwait.
Kabilang dito ang Pfizer-BioNTech, Oxford-AstraZeneca, Moderna, at Johnson & Johnson.
Ayon sa Embahada, ang hindi naturukan ng mga nabanggit na aprubadong bakuna sa Kuwait ay bawal pa ring pumasok sa nasabing bansa
Sa ngayon, base sa kasulukuyang programa ng pagpapabakuna sa Pilipinas, ipinagbabawal ng Department of Health (DOH) ang paghahalo ng magkaibang brand ng bakuna laban sa COVID-19.
Facebook Comments