Kuwaiti police na nanghalay umano ng Pinay, naaresto na – DOLE

377

Naaresto na ng mga awtoridad sa Kuwait ang pulis na sinasabing nanghalay sa isang Pinay na nagtungo sa kanilang bansa para magtrabahong domestic helper.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nahuli na ang suspek na Kuwaiti police na kinilalang si Fayed Naser Hamad Alajamy, 22-anyos.


Base sa ulat na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), si Alajamy umano ang umalalay sa biktimang OFW sa finger scanning registration sa airport nang dumating ito sa Kuwait noong June 4.

Pero pagtapos, dinukot umano nito ang Pinay at saka hinalay.

Hiniling naman ng biktima ng huwag na siyang pangalanan o ipaalam sa kaniyang pamilya ang pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers