Dalawang bata sa Malabon, binalik ang pitakang napulot

Courtesy Facebook/Xer Yoker

Kadalasan hindi maganda ang tingin ng publiko sa mga batang yagit o namamalimos sa lansangan.

Pero ang mga paslit na ito sa Malabon City, pinatunayan na meron silang ginintuang puso.

Sa larawang ibinahagi ni netizen Xer Yoker nitong Mayo 6, makikita ang dalawang batang nakapulot ng pitaka na may lamang pera at driver’s license. Aniya, hinahanap ng mga bata kung sino ang may-ari para maibalik ito.


“Kuya, kuya may napulot kaming wallet pero di namin binawasan yan.”, pahayag ni Yoker sa kanyang Facebook post.

Humanga ang mga netizens sa kabutihang ginawa ng dalawang bata. Narito ang ilang komento:

“Good job! My little boy ko. Proud sayo si ate”

“Mga batang dapat tularan”

“Sana ganto lahat ng bata”
Matiwasay na naibalik sa may-ari ang nalaglag na pitaka. Sa ngayon, umani ng 6,600 likes at 8,800 shares ang kuwento ng pinagpalang bata.
Facebook Comments