Kuya tinaga ang kapatid gamit ang samurai sa Pangasinan

Sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang lalaki matapos itong sugurin ng kanyang nakatatandang kapatid gamit ang samurai sa Basista, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Rommel Meneses, 33 anyos , tricycle drayber at ang nakakatandang kapatid na kinilala ng otoridad na suspek din na si Roger Meneses, 51 anyos at parehong residente ng Brgy. Obong, Basista.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP Basista, na nagwala umano ang suspek sa kanilang compound na noo’y nasa impluwensiya ng alak.


Kinaumagahan ay nag pang abot pa ang mag-kuya. Kumuha ang suspek ng isang samurai at doon na niya sinugod ang kanyang kapatid.

Mabilis namang naisugod sa ospital ang biktima at naaresto naman ang kuya nitong suspek.

Away pamilya naman ang tinitignang motibo ng naturang insidente.

Facebook Comments