KWALIPIKADO | Mayor Sara Duterte, pasadong maging sunod na lider ng bansa para kay Senator Lacson

Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, si Davao City Mayor Sara Duterte ang nangungunang kwalipikadong maging susunod na lider ng bansa mula sa hanay ng mga kabataang pulitiko ngayon.

Diin ni Lacson, taglay ni Mayor Sara ang mga katangian ng isang mahusay ni lider tulad ng pagiging determinado, masigasig, istrikto, disiplinado at malawak ang pag-iisip.

Nilinaw naman ni Lacson na hindi niya ini-endorso si Mayor Sara, sa katunayan ay hindi sya pabor sa naging papel nito sa pagpapalit ng liderato ng mababang kapulungan.


Nauna ng sinabi ni Lacson na base sa kasaysayan ay hindi nakabuti sa bansa o sa pamumuno ng mga nakaraang Pangulo ang naging pakikialam ng kanilang mga kaanak.

Facebook Comments