Kwalipikadong Indibidwal na Hindi Magpapabakuna, Hindi Papahintulutang Makapasok sa mga Establisyimento

Cauayan City, Isabela- Hindi umano pahihintulutan ang mga kwalipikadong indibidwal na kabilang sa priority group A at B na kinabibilangan ng medical frontline health workers, senior citizens, indigent population, uniformed personnel, government workers, economic frontliners sa pagpasok sa kahit anumang establisyimento at National Government Offices kasama ang mga City/ Municipal Halls sa buong probinsya ng Isabela kung tatanggi na magpabakuna maliban na lamang sa ilang dahilan na may kinalaman sa relihiyon, medical at health reasons.

Mahigpit rin na babantayan ng mga awtoridad sa ilalim ng ipapalabas na EO ang umiiral na health protocol gaya ng pagsusuot ng double face mask sa lahat ng oras kasama ang face shield at ang pagsisigurong nasusunod ang social distancing ng isang (1) hanggang dalawang (2) metro.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, sa pagkakaroon ng safety seal certification ay mas lalong mararamdaman ng mga tao na ligtas at nasusunod ang public health standards na ipinapatupad sa mga establisyimento.


Kaugnay nito,upang higit na ihanda ang lalawigan sa posibleng pagpasok ng DELTA variant, inaatasan ng DILG ang lahat ng Local Government Units na sumailalim sa pagsusuri at i-secure ang Security Seal Certification kasama ang paggamit ng Staysafe digital application bilang bahagi ng contact tracing, at hiniling na gawin din ito ng mga business establishments sa probinsya.

Facebook Comments