Iginiit ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd district Rep. Joey Salceda sa Civil Service Commission (CSC) at Professional Regulatory Commission (PRC) na paluwagin ang kwalipikasyon para sa guidance counselors sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Kaugnay nito ay umaapela si Salceda kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte na pangunahan ang pagsusulong na ibaba ang entry requirements para sa guidance counselors.
Pangunahing inihalimbawa ni Salceda na kailangang luwagan ay ang minimum educational requirement na dapat ay mayroong Master’s Degree in Guidance and Counseling ang mga nais maging guidance counselors.
Giit ni Salceda, higit ngayong kailangan ang mga guidance counselors sa mga paaralan kasabay ng pagsisimula ng face-to-face classes.
Paliwanag ni Salceda, malaki ang maitutulong ng mga guidance counselors sa latay ng pandemya sa mga estudyante na posibleng makaapekto sa kanilang pag-aaral.
Sa pagkakaalam ni Salceda ay umaabot sa 4,300 ang bakantang posisyon sa gobyerno para sa guidance counselor.