Sa ating naging panayam kay Mr. Christian Gonzales, City Youth Development Officer, inihayag nito na ang Kwentong Kabataan Bayani ay isang nabuong proyekto ng City Youth Development Office na nag-umpisa nitong buwan ng Enero taong kasalukuyan katuwang ang LGU Cauayan at SK Federation.
Layunin ng proyektong ito na maipakita sa buong mundo na ang mga Kabataan ng Lungsod ng Cauayan ay aktibo, may kahusayan, paninindigan at kabayanihan ngayong panahon ng pandemya.
Ang kwentong bayan bayani ay Pinondohan aniya ito ng LGU Cauayan ng 150,000 pesos na kung saan magtatapos ito sa Hunyo na siya namang huling termino ni City Mayor Bernard Dy.
Isa aniya itong hakbang ng lokal na pamahalaan ng Cauayan para maipamalas ng mga kabataan sa Lungsod ang kanilang mga nagawa na talagang kapupulutan ng aral at inspirasyon.
Mayroon ng tatlong episodes na naipalabas ang Cauayan City Youth Development Office na iba’t-ibang kwento ng mga kabataan sa Lungsod.
Kabilang na rito ang pag-feature sa mga batang Kankanaey loom weavers sa barangay Rogus na kung saan ipinamalas ng mga ito ang kanilang husay sa paghahabi ng facemask at iba pa na ngayon ay kanila nang pinagkakakitaan.
Kasama rin sa mga nagawan ng documentary ang mga accomplishments o nagawa ng ilang SK Chairman sa kani-kanilang nasasakupan ngayong panahon ng pandemya.
Sa naturang proyekto ay mayroong nakatalagang Director para sa masinsinang screening at paggawa ng kwento katuwang ang mga Sangguniang Kabataan Members na mag-a identify naman sa mga kabataan na maaaring i-feature na makukuhanan ng aral at inspirasyon ng mga kabataang Cauayeño.
Ang kanilang unang tatlong nai-release na episodes ay mapapanood lamang sa Local Youth Development Office- Cauayan City Facebook Page na kung saan inaasahan pa na madagdagan pa ang mga magagawa documentary films.
Ayon pa kay Gonzales, ang Cauayan City pa lamang ang kauna-unahang nakagawa ng documentary films sa buong bansa na tumutukoy sa mga nagawa o accomplishments ng mga kabataan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Mensahe naman ni Ginoong Gonzales sa mga Kabataan na abangan pa at suportahan ang mga susunod na episode na kapupulutan ng aral at inspirasyon na magagamit sa buhay at makakatulong sa pag-aaral ganun na rin sa ating kinakaharap na sitwasyon.