KWENTONG KUTSERO | P100-M bank deposit ni P-Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte, luma na – Palasyo

Manila, Philippines – Tinawag na kwentong kutsero lang ng palasyo ng Malacanang ang lumabas na balita na mayroong 100 milyong pisong investment si Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa artikulo na lumabas sa vera files kung saan sinabi na bigo si Pangulong Duterte na ideklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth o SALN ang nasabing halaga.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, luma na ang issue na ito at una na itong ibinato ni Senador Antonio Trillanes IV.


Hinamon din naman ni Roque ang mga kritiko ng administrasyon na maglabas ng mga authenticated documents na mula mismo sa bangko.

Kapag aniya ito ay nagawa na ng mga kritiko ay saka lang sila magbibigay ng komento sa issue pero hanggang hindi napatutunayan ang mga alegasyon ay no comment sila dito.

Facebook Comments