Manila, Philippines – Pinare-review ng House Minority Group sa Kamara ang performance ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kasunod na rin ng kontrobersyal na pagbabasura sa drug cases ni Kerwin Espinosa, mga negosyanteng sina Peter Lim at Peter Co. Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, marami na ang naging kwestyon sa integridad ng DOJ at sa mga attached agencies nito sa loob pa lamang ng dalawang taon nasa posisyon si Aguirre. Giit nito, nakakabahala dahil napakalawak ng sakop na kapangyarihan ng isang Justice Secretary. Sa kabila nito, kung ang independent minority sa Kamara na MAKABAYAN Bloc ay pinagreresign na si Aguirre, hindi naman ito mairekumenda ng Minorya. Sinabi ni Buhay Rep. Lito Atienza na dapat hintayin ang paliwanag ni Aguirre sa Pangulo sa kung ano ang nangyari sa imbestigasyon ng prosecution service para ibasura ang mga kaso nila Espinosa at ng iba pa. Kung hindi makapagbigay ng katanggap-tanggap na paliwanag ang kalihim ay walang ibang pagpipilian ang Pangulo kundi sibakin si Aguirre sa pwesto at sampahan ng kaso.
KWESTYON SA INTEGRIDAD | Performance ni SOJ Aguirre, pinare-review kay Pangulong Duterte
Facebook Comments