Kwestyonable at maanomalyang pagsasagawa ng public biddings ng PPA, kinondena ng isang kongresista

Mariing kinondena ni Oriental Mindoro 2nd District Congressman Alfonso Umali Jr. ang umano’y kwestyonable at maanomalyang pagsasagawa ng public biddings ng Philippine Ports Authority (PPA) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Umali na kinabibilangan ang bidding ng walong pantalan kung saan kasama ang; Puerto Princesa, Ormoc, Tabaco, Legazpi, Calapan ports at tatlong iba pa.

Nanawagan naman si Umali sa Kamara na magsagawa pa ng malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang mga may kinalaman sa bidding kung saan ilang opisyal ng PPA ang sangkot.


Sa ngayon, alinsunod sa House Resolution 1822, partikular na inaatasan ang House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Transportation sa pagsasagawa ng joint inquiry “in aid of legislation.”

Inirerekomenda naman ng resolusyon kay Department of Transportation Sec. Arthur Tugade na suspendihin at ipagpaliban ang mga public bidding na ginagawa ng PPA at general manager nito na si Atty. Jay Santiago hanggang sa matapos ang imbestigasyon.

Facebook Comments