KWESTYONABLE? | Legal na batayan ng warrant of arrest laban kina Ka Satur, Liza, Teddy at Paeng, kinukwestyon ng makakaliwang grupo

Nagkakaisa ang boses ng mga makakaliwang grupo sa pagkuwestyon sa naging legal na batayan ng Lower court sa Palayan City RTC para maglabas ng warrant of arrest laban kina Ka Satur ocampo, NAPC Secretary Liza Masa,dating BAYAN partlylist representative Teddy Casiño at dating DAR Secretary. Paeng Mariano.

Sa isang Press conference, sinabi ni National Democratic Front consultant Atty. Rachel Pastores na hindi kapani paniwala ang kuwento ng binuhay na kaso matapos ang labindalawang taon.

Sabi ni Atty. Pastores, taong 2008 nang maglabas si Judge Evelyn Turla ng Palayan city rtc na ibalik sa piskalya ang kaso at magsagawa preliminary investigation dahil sa kakulangan ng sapat ebidensya.


At dahil walang probable cause noon kayat iniakyat ng grupo ng mga respondent ang kaso sa Korte Suprema pero nakatagtataka Anila na hindi pinanindigan ng judge ang una nitong desisyon at noong Miyerkules ay maglabas ng warrant of arrest.

Batay sa alegasyon ng anilay hindi pa rin tuwirang nagpapakilalang mga complainant, ipinag-utos umano nina ka Satur ang pagpatay sa mga dating bayan muna member na umanib sa grupong akbayan.

Naganap umano ang pagpaplano sa isang pulong ng CPP-NPA-NDF na dinaluhan ng mga respondent noon pang taong 2000.

Sa araw ng Miyerkules nakatakdang maghain ng motion for reconsideration sa Palayan City RTC ang grupo ng ipinaaarestong makakaliwang grupo.

Facebook Comments