Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na pumayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sibakin na sa pwesto si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco.
Kasunod ito ng pahayag kanina ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinasisibak na niya si Tansingco dahil hindi siya satisfied sa pagtatrabaho nito.
Ayon kay Presidential Communications Office o PCO Secretary Cesar Chavez, nagkasundo mismo sina Pangulong Marcos at Remulla na i-relieve ito sa pwesto dahil sa pagtakas ni Alice Guo sa bansa.
Sinabi pa ni Remulla na bukod sa paglabas ng bansa ni Guo ay marami pang isyu kay Tansingco gaya ng kwestyunableng pag-iisyu ng working visa.
Sa ngayon, wala pang tugon ng Palasyo kung sino ang papalit kay Tansingco.
Facebook Comments