KWF, Binatikos ng GUMIL dahil sa ‘Di Tamang Ortograpiya!

*Cauayan City, Isabela-* Binabatikos ngayon ng Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilokano (GUMIL) ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa pagpapalabas at pagsusulat ng kanilang sariling bersyon sa mga salita ng Iloco na hindi naman naaayon sa tamang pagbaybay at pagbigkas sa mga katutubong wika gaya ng Ilocano.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Arthur Urata, Board of Director ng GUMIL, binaboy umano ng dalawang Komisyoner ng KWF na sina ginoong Virgilio Almario at Delima ang lenggwahe ng mga Iloco dahil marami umano sa kanilang mga sinulat na salitang ilocano ang halos maging salitang tagalog at nagiging iba ang nais iparating na mensahe.

Dahil dito ay gagawa umano sila ng petisyon na bawiin na lamang ang naunang nailathalang isang libro bago pa pagbasehan  at maibigay sa mga eskwelahan.


Bukod pa rito ay kanila rin umanong hihilingin na kung maaari ay tanggalin na ang liderato ng dalawang Komisyoner na nanguna umano sa pagbabago at paglathala ng mga salitang hindi wasto ang ortograpiya.

Bagamat hindi pa naipapamigay sa mga eskwelahan ang mga libro na naglalaman ng mga umano’y mali-maling ortograpiya ay hindi umano papayag ang mga grupo ng manunulat na gagamitin ng DepEd-Region II ang mga libro na inilimbag ng dalawang Komisyoner ng KWF.

Hindi umano papayag ang mga grupo ng manunulat na gagamitin ng DepEd-Region II ang libro na inilimbag ng dalawang Komisyoner ng KWF dahil sa umano’y naglalaman ng mali-maling ortograpiya.

Facebook Comments