KWF, hinimok ang mga unibersidad at kolehiyo na gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo

Hinimok ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga kolehiyo at unibersidad na mag-alok ng courses sa Filipino at gamitin ang wika bilang medium of instruction.7

Ito ay matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyong tanggalin ang Filipino at Panitikan o Philippine Literature bilang core subjects sa kolehiyo.

Sa statement ng KWF, marapatin lamang na itinataguyod ng State Universities and Colleges (SUCs) ang nakamandato sa konstitusyon na protektahan at palaganapin ang ating wika.


Iginiit din ni National Artist Virgilio Almario, Chairperson ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) – ang bagong General Education Courses (GECs) ay itinuturo sa Filipino at Ingles.

Ibinunyag din ni Almario na higit 10 unibersidad at kolehiyo ang naglansag ng kanilang Filipino departments.

Naniniwala si Almario na ang paggamit ng Filipino sa higher education ay mahalaga sa paghubog at pag-unlad ng wika.

 

Facebook Comments