Bukas ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), na tumulong sa paglaban sa disinformation hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Sa isang press briefing, sinabi ni KWF Commissioner Benjamin Mendillo Jr., na sa ngayon ay politically loaded ang isyu na dapat ipaubaya sa mga eksperto o mga lider ng bansa.
Pero, panahon na umano na may maipantapat sa mga kumakalat na disinformation lalo na sa social media.
Nakahanda aniya silang makipagtulungan sa Presidential Communications Office (PCO) upang maglunsad ng malawakang media information upang mas maka-engage ang pamahalaan sa diskurso hinggil sa mga ipinaglalaban nating teritoryo sa WPS.
Aniya, nakahandang magsalin sa Filipino ang Komisyon ng mga materyales na hawak ng mga information arm ng pamahalaan.
Ani Mendillo, may mga tauhan ang Komisyon na may mga kapasidad na magsasagawa ng pagsasalin ng mga debate sa WPS issue.