Arestado ang limang katao matapos ireklamo sa pagnanakaw ng mamahaling kwintas ng isang ginang sa ikinasang follow-up investigation sa Brgy. Calaocan, Manaoag, Pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na pawang residente mula Ilocos Sur.
Ayon sa biktima, napansin nitong nawawala ang kwintas na nagkakahalaga ng P100,000 matapos bungguin at gitgitin ng naturang grupo matapos dumalo sa Isang miss sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.
Sa naretrieve na CCTV footage, kitang kita ang iskema na ginagawa ng mga ito.
Agad naman pinuntahan ng awtoridad ang mga suspek kung saan nahulihan din ang dalawa sa mga ito ng higit isang gramo ng shabu.
Bigong marekober ng mga awtoridad ang ninakaw na kwintas.
Haharap ang mga suspek sa kasong pagnanakaw at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









