Kyle Kuzma, nanguna sa opensa ng Lakers kontra Hornets

25

Nilampaso ng Los Angeles Lakers ang Charlotte Hornets sa score na 101-93.

Nanguna si Kyle Kuzma sa opensa ng Lakers na nakagawa ng 24 points para itala ang ika-apat nilang panalo.


Nag-ambag din sa panalo ng Lakers si Dennis Schroder ng 19 points at si Andre Drummond na may 12 rebounds.

Naging malaking kawalan naman para sa Charlotte ang hindi paglalaro nina Terry Rozier at P.J. Washington gayundin sina LaMelo Ball, Gordon Hayward at Malik Monk dahil sa injuries.

Facebook Comments