Kylie Padilla, buntis nga ba sa pangalawang anak?

Instagram/ Kylie Nicole Padilla

Ibinunyag ng isang beteranong writer na sabay na manganganak si Kylie Padilla at stepmom nitong si Mariel Rodriguez-Padilla sa Nobyembre.

Hindi pa man nakukumpirma nila Aljur at Kylie ang rebelasyon ngunit makikita sa isang post ni Kylie sa kaniyang Instagram account na kasama niya si Alas at mapapansin ang baby bump nito.

https://www.instagram.com/p/BzzbqV8Bkdm/


Huling nakita ang aktres sa gender reveal party ni Mariel nitong nakaraang buwan. Inaasahan naman na ang pangalawang anak ng kaniyang stepmom ay isang babae.

Si Alas Joaquin ang firstborn nila Kylie at Aljur na magdadalawang taon na sa Agosto. Ikinasal si Kylie at Aljur noong Disyembre ng nakaraang taon.

Matatandaan na pansamantalang nag-hiatus sa showbiz si Kylie noong 2017 sa kalagitnaan ng Encantadia remake upang matugunan ng pansin ang pagbubuntis hanggang sa manganak at palakihin si Alas.

Facebook Comments