Kylie Padilla, isinilang na ang baby boy nila ni Aljur Abrenica

Showbiz – Isinilang na ni Kylie Padilla ang baby boy nila ng actor na si Aljur Abrenica kaninang alas-3:31 ng madaling araw.
Ipinakita pa ni Aljur ang picture sa Instagram post na may caption ng oras ng kapanganakan ng kanilang anak.
Nagbigay rin ang actor ng mensahe na kasama rin sa caption na proud na proud siya kay Kylie at mahal na mahal niya ito.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang engaged couple kung ano ang pangalan ng kanilang anak.

Facebook Comments