Kylie Padilla,nasasaktan sa hindi pagkakaunawaan ng amang si Robin at nobyong si aljur abrenica

Showbiz – Aminado si Kylie Padilla na nasasaktan siya sa hindi pagkakaunawaan ng ama niyang Si Robin Padilla at ng boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Say ni Kylie, noong buntis pa siya ay pumunta sila ni Aljur sa bahay ni Robin ngunit hindi sila hinarap nito.

Maaaring naman raw wala talaga ang ama niya sa bahay noong panahong iyon o ayaw lang silang harapin nito.


Giit ng aktres, siya ang dapat sisihin dahil sa matagal siyang nanahimik sa isyu.

Inamin naman ni Kylie na wala siyang sama ng loob sa ama dahil naiintindihan niya ang kagustuhan nito na ikasal muna sila ni Aljur bago mag-baby.

Facebook Comments