Kylie Verzosa, nilinaw na hindi siya na-offend sa prank proposal ng boyfriend na si Jake Cuenca

32

Umapela ang beauty queen/actress na si Kylie Verzosa na tigilan na ang pambabatikos sa boyfriend na si Jake Cuenca.

Ito ay matapos na hindi nagustuhan ng mga netizen ang ginawang prank ni Jake na kunwari ay magpo-propose ito sa nobya sa kanyang YouTube channel.


Giit ng mga nambabatikos sa aktor, “bad joke” at hindi maganda na paasahin ang isang babae lalo na’t seryosong usapin ang kasal.

Pero, binigyan-diin ni Kylie na hindi niya minasama ang biro ng nobyo dahil kasabwat din siya nito.

Paliwanag pa ng aktres, alam niya ang lahat bago ang filming kaya no hurt feeling sa nangyari.

Facebook Comments