Kyrie Irving at Brooklyn Nets, pinatawan ng multa matapos lumabag sa media rules

Pinatawan ng multang $25,000 si Kyrie Irving at ang koponan nitong Brooklyn Nets matapos lumabag sa media rules ng liga.

Ito ay matapos tanggihan ni Irving na magpaunlak ng panayam sa mga mamamahayag mula ng magsimula ang training camp noong Disyembre 1.

Sa halip, mas pinili ni Irving na maglabas na lamang ng statements.


Nabatid na mandatory sa mga koponan na makapanayam ng media ang mga manlalaro bago at pagkatapos ng laro ganun din sa ensayo.

Dapat rin na maglaan ang bawat koponan ng araw sa pagsisimula ng training camp sa bawat manlalaro ganun din sa mga general manager at coach.

Facebook Comments