You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Kyrie Irving, nanguna sa panalo ng Nets kontra Pelicans

Pinangunahan ni Kyrie Irving ang panalo ng Brooklyn Nets kontra New Orleans Pelicans sa score na 134-129.

Ito ay kahit wala ang kanilang mga superstars na sina Kevin Durant at James Harden.

Bumida ang 32-point performance ni Irving para iposte ang kanilang ika-39 na panalo ngayong season.

Habang nagdagdag naman si Joe Harris ng 24 points.

Nasayang naman ang ginawang kayod ni Zion Williamson na nakagawa ng 33 points.

Facebook Comments