Pinagmulta ng National Basketball Association (NBA) ng $35,000 o mahigit P1.6 million si Brooklyn Nets superstar Kyrie Irving matapos lumabag sa media policy ng liga.
Ayon sa NBA, ang kanilang desisyon ay dahil pa rin sa paulit-ulit na pagtanggi ni Irving na makibahagi sa media conference tuwing natatapos ang laro.
Una nang pinagmulta ng liga noong Disyembre 2020 ng $25,000 o mahigit P1.1 million si Irving dahil sa pagtanggi sa pre-game media session ng All-Star selection.
Nababahala naman ang ilang fans ni Irving na maapektuhan ang career nito lalo na kung makapasok ang Nets sa NBA championship.
Facebook Comments