KZ, pressured sa pagkakapili sa kaniya bilang isa sa mga ambassadors ng NCCA; Pepe Smith, pumanaw na

Aminado ngayon ang singer na si KZ Tandingan na na-pressure siya matapos mapili bilang bagong music ambassador ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

Bukod kasi sa kaniya, makakasama din niya bilang ambassadors sina Pia Wurtzbach, Ian Veneracion, Heart Evangelista at Boy Abunda para sa nalalapit na event ng NCCA.

Say pa ni KZ, tila nakita daw ng komite ang kaniyang pagsusumikap kaya at pinili siya ng mga ito para maging inspirasyon ng iba.


Samantala, pumanaw na sa edad na 71 ang OPM Rock Legend na si Joseph William Feliciano Smith o mas kilala bilang Pepe Smith.

Hindi pa naman malinaw kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay ni Smith pero kung matatandaan ay ilang beses na itong na-stroke pero hindi na siya nag-take ng medication.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ni Pepe Smith bilang bahagi ng Juan Dela Cruz Band ay ang “Balong Malalim, “Himig Natin” at “Beep Beep”.

Facebook Comments