KZ Tandingan tinalo si Jessie J sa isang singing contest sa China

Inulan ng papuri sa social media ang singer na si Kz Tandingan matapos manguna sa sikat na Chinese singing competition na “Singer 2018” kung saan dinaig pa niya ang idolo na si Jessie J. Pinabilib ni KZ ang viewers ng nasabing show sa kanyang version ng kantang “Rolling In The Deep” ni Adele. Pumasok ang 25 year-old singer sa fifth episode ng reality singing competition bilang challenger na ipinalabas noong biyernes, February 9. Agad naman inulan ng pagbati si KZ mula sa mga kapwa artist tulad nina Yeng Constantino, Ogie Alcasid, Angeline Quinto at Jaya. Proud din ang kanyang boyfriend na si TJ Monterde dahil sa galing na ipinakita ni KZ.

Facebook Comments