LA Lakers, nilampaso ang Houston Rockets sa game 4 ng Western Conference semifinal series

48
Courtesy: TNC.CA

Nilampaso ng Los Angeles Lakers ang Houston Rockets matapos umabante sa 3-1 ang kanilang serye sa game 4 ng Western Conference semifinal series.

Nabatid na bigong makaiskor sa fast-break point ang Rockets kontra Lakers sa unang tatlong quarter ng laro sa iskor na 110-100.

Dahil dito, posibleng malaglag sa serye ang Rockets makaraang mabaon sa dalawang laro kung saan, isang talo na lang ay tuluyan nang malalaglag sa NBA playoffs ang Houston.

Sa ngayon, isang laro nalang ang kailangang maipanalo ng Lakers para makapasok sa Western Conference finals kung saan posible nilang makalaban ang mananalo sa pagitan ng Los Angeles Clippers at Denver Nuggets na may kasalukuyan ding standing na 3-1.

Abangan ang game 5 ng dalawang koponan bukas ng umaga, September 13, 2020.

Facebook Comments