Kumpiyansa si Los Angeles Lakers Superstar Lebron James na hindi tuluyang makakansela ang 2019-2020 NBA season kahit nananatili itong suspendido dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay james, nakahanda ang kanilang team sakaling ituloy na ang mga laro ng NBA na unang kinansela noong nakaraang buwan.
Giit pa niya, hindi dapat tuluyang kanselahin ang laro kahit na isa ito sa ikinokonsidera ng pamunuan ng liga.
Samantala, tinitingnan din ngayon ng pamunuan ng NBA ang posibilidad ng paglalaro sa Disney World sa Orlando Florida at doon isailalim sa quarantine ang lahat ng NBA players hanggang matapos ang kasalukuyang season.
Facebook Comments