Kasado ng ng Quezon City government ang mga nakahandang programa ara sa isasgawang La Loma Lechon Festival sa darating na araw ng Linggo, Mayo 21.
Ayon sa QC Local Government Unit (LGU), nagsagawa na ng pagpupulong ang mga LGU, barangay, at ang La Loma Lechoneros Association para muling ibandera ang pagiging Lechon Capital of the Philippines ng La Loma sa Quezon City.
Base sa isinagawang meeting ng mga stakeholder, tinalakay ang mga programa at patimpalak na gaganapin sa selebrasyon.
Bukod dito, kasado na rin ang ipatutupad na mga alituntunin para matiyak ang kaligtasan ng mga makikisaya at makikilahok sa naturang okasyon.
Matatandaan na taong 2019 nang malugmok sa pagkalugi ang mga magle-lechon sa La Loma matapos ang pagtama ng African Swine Fever sa QC at iba ang lugar sa bansa.