Nadagdagan pa ng .26 centemeters ang tubig sa La Mesa Dam mula sa 71.50 meters kahapon ng alas 6 ng umaga.
Nasa 71. 76 meters na ang water elevation ng dam.
Malayo pa rin ito sa 80.15 meters na normal water elevation ng La Mesa Dam.
Samantala, umangat na ng 1.28 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam .
Base sa pinakahuling monitoring ng la mesa dam common purposed facilities, as of 6 am ngayong umaga nasa 159.85 meters na ang water elevation ng dam.
Ayon kay LMDCPF Operator Jerson Pascual, nadagdagan ang lebel ng tubig mula sa 158.64 meters kahapon ng kahalintulad na oras.
Sumadsad ang pinakamababang lebel ng tubig sa 157.96 meters noong Hunyo 28.
Malaki umano ang naitulong ng sunod sunod na pag ulan at nadagdagan ang kakarampot ng tubig sa angat.